
JM de Guzman
Official Hukbong JM
from "Batang Ama" to "Batang Martir"

After his big break as Angelito in the afternoon hit serye - "Angelito : Batang Ama" , JM de Guzman is set to portray Saint Pedro Calungsod in a biopic film.
JM said this project is very different from his past works and it is a new challenge for him to play someone who lived his life serving the Lord.
"Napakaganda nung film. Napakaganda nung gustong ipakita at ibigay nung pelikula sa tao. Para sa mga taong nakakalimot magdasal at tumingin sa Diyos. Mayroon palang isang Pilipino na sinakripisyo yung buhay niya para sa Panginoon," he said.
in an exclusive interview with Pep.ph - JM de Guzman expresses his excitement about the film
“Actually, the fact na solo ko ito or title role, parang ngayon lang nagsi-sink-in na ganon pala ang pakiramdam.
“Kasi, kaya ko po ito tinanggap, mas importante sa ‘kin kung sino yung gaganapan ko, kung ano yung istorya… And kung hindi mo lang natanong yung feeling na ganon, hindi ko naman po na pinapasok sa utak ko na hindi ito yung first.
“Pero, siyempre, thankful ako na pinagkatiwala sa ‘kin ang role ni Pedro Calungsod.”
Noong first time niyang narinig na may offer na ganito sa kanya ang writer-director na si Francis Villacorta, ano ang naging initial reaction niya?
“Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’ Kasi, bale nag-offer si Direk Francis ng dalawang movies. Isa ito. Inuwi ko muna yung files ng Calungsod ‘saka yung isa, at ito yung nagustuhan ko.
“Kasi parang it’s rare for a person yung ma-canonize bilang isang saint, so ano’ng meron sa taong ito? Ano yung ginawa niyang mga sakripisyo?
“Interesting siya for me and hindi pa ako nakagawa ng role ng isang martir na magiging santo.”
Pakiramdam ni JM, malaki ang responsibilidad niya sa bagong film role, dahil ang gagampanan niyang role ay ang second Filipino saint, after San Lorenzo Ruiz.
“Mabigat ang responsibility, kasi, siyempre, parang ito yung magiging libro ng mga tao, eh. Libro ng mga bata, ng mga estudyante… ‘Sino ba itong si Pedro Calungsod?’ ‘Yung mga gano’n.”
At dahil ang isang pelikula nga ay pang-habambuhay na?
“Opo,” sang-ayon niya. “Tsaka, in the future, isang salang mo lang sa DVD ng film, ‘andyan na ‘yan eh, diyan ka na ma-iinform sa film na ‘yan.
“’Yan naman ang goal natin, ‘di ba, sa paggawa ng pelikula? To inform. To educate. To inspire.”
Noong binasa niya ang buod ng kuwento ni Pedro Calungsod, personally, ano yung nakita niya sa batang martir?
“Maganda siyang showcase ng isang personalidad, para maka-inspire talaga sa new generation.
“Kasi, bihira na yung mga ganitong tao, kaya karapat-dapat lang siya gawan ng pelikula.”
The historical film is written and directed by Francis O. Villacorta.
sources:
Pedro Calungsod: Batang Martir Facebook Page
JM DE GUZMAN as Pedro Calungsod (2nd Filipino saint to be canonized in Rome on Oct 21, 2012) and CHRISTIAN VAZQUEZ as Padre Diego de San Vitores in "PEDRO CALUNGSOD: BATANG MARTIR", a motion picture written and directed by Francis Villacorta; with John Anthony L. Wong as film editor and cinematographer... (photo by John Anthony Wong)... COMING SOON!
Pedro Calungsod: Batang Martir Movie